Establishment support iginawad ng ATI Bicol sa isang farm sa Albay

LEGAZPI CITY- Iginawad ng Agricultural Training Institute (ATI) Bicol ang establishment support sa Mommy Nitz Natural Farm na matatagpuan sa San Francisco, Guinobatan, Albay.

Ang naturang supporta ay nasa ilalim ng Organic Agriculture Program (OAP) na binubuo ng mga sumusunod: 60-inch LED TV, Laptop core i3, Multi-purpose printer, External Hardrive, Public Address System, Ring Binder, Paper Cutter, Bond paper, White Board, lamesa at mga upuan.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Ang pagbibigay ng establishment support ay responsibilidad ng ATI Bicol sa kanilang Learning Site for Agriculture (LSA) partners upang makatulong sa kanilang mga aktibidad at adhikain sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang mga kliyente (magsasaka, atbp.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Nangako naman ang nasabing farm na pagtitibayin nito ang kanilang partisipasyon sa pagpapayabong ng agrikultura.