EJKs, dekada nang nangyayari sa PH – prexy bets sa bansa

Inihayag ng dalawang presidential candidates na sina Faisal Mangondato at Dr. Jose Montemayor Jr., na dekada nang nangyayari ang extrajudicial killings sa bansa.

Sa ikalawang bugso ng presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), sinabi ni Mangondato na daan-daang libong buhay ang nawala sa Mindanao dahil sa EJK, nang hindi man lang nalalaman sa Maynila ang pangyayari.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Dagdag ni Mangondato, na para labanan ang krimen, kailangan katigan ang human rights at due process.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Para naman kay Montemayor, walang duda umano na nangyayari ang EJK bansa, at hindi na kailangan ng malalimang imbestigasyon para lang makumpirma ito.

Patutsada ni Montemayor, hindi na naoobserbahan ngayon ang due process, at ang human rights violation ng gobyerno at kaliwa’t-kanan na. //MHEL PACIA-TRINIDAD