PH, nagtala ng mataas na bagong kaso ng COVID sa loob ng halos isang buwan sa 690

Nagtala ang Pilipinas ng 690 na mga karagdagang kaso ng COVID-19, na pinakamataas na daily tally simula noong March 7.

Mula sa mga bagong infections, 332 dito ay galing sa Metro Manila.

Dahil dito, tumaas pa ang kabuoang bilang ng kaso sa 3,679,629, kung saan 35,967 ang active.

Sa gitna nito, nagtala rin ang Department of Health ng 19 na mga bagong fatalities, dahilan para tumaas ang death toll sa 59,343.

Matatandaan na noong January 2020 unang nakumpirma ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mula sa isang Chinese na babae na dumating mula sa Wuhan City, China, kung saan pinaniniwalaan na doon unang umusbong ang naturang virus.