Index crimes, tumaas simula nang ipatupad ang Alert Level 1 – Año

Tumaas umano ang ilang index crimes, partikular na ang pagnanakaw, simula nang ipatupad sa bansa ang mas maluwag na Alert Level 1.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ang pagtaas ng theft incidents ay dahil sa tumaas na mobility ng mga tao nang ibaba sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa ang mas mababang COVID-19 alert system.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa kabila nito, hinimok ni Año ang publiko na maging maingat sa paligid, lalo na sa mga matataong lugar para maiwasan na mabiktima ng mga magnanakaw.

Samantala, maliban sa theft, walo pang krimen, kabilang ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, at carnapping ng mga sasakyan at motorsiklo, ay tumaas rin.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Matatandaan na nitong taon lang, iniulat ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crime incidents sa NCR ng halos 17% mula November 2021 hanggang January 2022, dahil sa quarantine restrictions bunga ng banta ng COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD