Sorsogon, magiging kauna-unahang lalawigan sa rehiyon pagdating sa ‘fire services’ kung makumpleto ang fire trucks at fire station

Sorsogon City – Sinabi ni BFP-Spokesperson Ted Doloiras, na kung makumpleto ng lalawigan ang mga fire trucks at fire stations sa bawat bayan, ang Sorsogon na umano ang maituturing na kauna-unahang lalawigan na may kumpletong ‘fire services’ sa rehiyong Bicol.

Gayunpaman, positibo pa rin ang pamunuan ng Kawanihan na sa lalong madaling panahon ay magkakaroon na ng kani-kanilang sariling fire trucks ang lahat ng bayan sa Sorsogon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon pa sa pahayag ng opisyal, tanging ang bayan ng Casiguran at Sta. Magdalena ang wala pang fire truck at ito umano ang patuloy na kanilang pinoproseso at kanilang pinagsusumikapan na maisakatuparan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aniya, malaking bagay umano sa pagresponde sa mga insidente ng sunog kung bawat LGU ay mayroong sariling trak ng pamatay sunog.

Kamakailan lang, natanggap ng LGU-Irosin ang kanilang bagong fire truck na nagkakahalaga ng mahigit P18M na bahagi ng BFP Modernization Act.