Oil price rollback, posibleng ipatupad sa susunod na linggo- DOE

Posibleng ipatupad ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kasi kay Rino Abad, director ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, na bumaba sa nagdaang tatlong araw ang presyuhan ng krudo sa world market.

Dahil dito, kung magtuloy-tuloy aniya hanggang bukas ang pagbaba o mapanatili ang pagbaba ng presyo nito, ay tiyak na rollback sa susunod na linggo.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa gitna nito, naniniwala si Abad, na may epekto sa pagbaba ng presyo ng krudo sa world market ang negosasyong nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa kabila nito, nangangamba rin ang opisyal na baka maudlot ang price rollback sa krudo sa world market dahil na rin sa mga ulat na nagkakaroon ng problema sa naturang negosasyon ng dalawang bansa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mababatid na ngayong linggo, muling nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Pilipinas matapos makahinga ng isang linggo sa sunod-sunod na oil price hike.

Batay sa datos ng DOE, ngayon taon ay umabot na sa P18.30 per liter ang itinaas o nagdagdag sa presyo ng gasoline, P27.85 per liter sa diesel, at P25.75 per liter sa kerosene hanggang nitong March 29.