Presyo ng langis may indikasyon ng rollback sa susunod na linggo – DOE

Inihayag ng Department of Energy na may indikasyon ng posibleng rollback sa susunod na linggo.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Atty. Rino Abad, ito ay kung pagbabasehan ang kaganapan sa unang tatlong araw ng trading week.

Read More:  Marcos allocates P300 million for Tarlac City bridge repairs

Bagama’t hindi binanggit ni Abad ang eksaktong halaga, nagkaroon umano ng pagbaba sa presyo ng langis sa World Market.

Nilinaw naman ni Abad na nakadepende pa rin sa mga mangyayari sa huling dalawang trading days kung matutuloy ang roll back sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Read More:  Rep. Benny Abante again challenges VP Sara Duterte to face impeachment trial

Inihayag ng DOE official na ang Russia-Ukraine war at ang China lockdown pa rin ang nakaka-apekto sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.