OWWA, nagbayad ng P1.2 billion sa mga quarantine hotel facilities at ilang providers

Binayaran ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng P1.2 billion ang mga quarantine hotel facilities kabilang ang ilang food at transport providers.

Nasa P1.7 billion ang utang sa ilang mga hotels na ginawang quarantine facilities para sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) noong nagsimula ang Covid-19 pandemic.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ongoing na ang pagbabayad simula ng ibigay ang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Siniguro din niya na mababayaran ang mga hotels dahil meron silang budget para dito kahit pa panahon ng eleksyon.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Samantala, ibibigay naman ng DBM ang pangalawang tranche ng pondo sa susunod na buwan.

(ARGIE ERGINA)