Heart attack, dahilan ng pagpanaw ni Keith Martin, batay sa otopsiya

Sinabing heart attack o acute myocardial infarction ang ikinamatay ni American singer na si Keith Martin, batay sa resulta ng otopsiya sa kanyang mga labi.

Matatandaan na noong nakaraang linggo nang matagpuan ang naagnas nang bangkay ni Keith sa kanyang condo unit sa Quezon City.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District, nabatid na huling nakitang buhay si Keith noong March 20, 2022.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Wala naman umanong palatandaang puwersahang pinasok ang condominium unit ng 57-anyos na mang-aawit.

Si Keith ang umawit ng hit song na ‘Because of You.’