COVID-19 local ‘variants of concern’ sa Bicol, sumipa na sa 1,111

BNFM BICOL—Umabot na sa 1,111 ang mga naitalang kaso ng variants of concern ng COVID-19 sa Bicol.

Batay sa inilabas na Biosurveillance Report ng Department of Health-Bicol kahapon, 25 Omicron variants ang muling na detect sa rehiyon, base sa naging pagsusuri ng Philippine Genome Center.

Sakabila nito, ang Delta variant pa rin ang pinaka dominante sa lahat ng mga VOC, na may kabuuang 640 kaso; sumunod ang Omicron variant na may 288; 127 ang Beta habang 56 naman ang Alpha variant.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa buong rehiyon, ang probinsya ng Camarines Sur ang may pinakamataas pa ring kaso ng Delta variant na may 157 at siya ring may pinakamaraming na detect na kaso ng Omicron variant na umabot na sa 79.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Kaugnay nito, sinabi naman ng DOH na ang mga naturang bilang ay hindi kumakatawan sa kabuuang case infections ng mga variants of concerns, dahil batay lamang ito sa specimens na ipinasa at isinailalim sa pagsusuri ng Philippine Genome Center.###