10 pulis sa Pampanga, posibleng maharap sa kasong robbery, dahil umano sa hulidap

Posibleng maharap sa kasong robbery ang sampung pulis sa Pampanga matapos umanong masangkot sa hulidap.

Batay sa report, nagsagawa umano ng “raid” ang sampung pulis na myembro ng Provincial Intelligence Unit sa isang pribadong bahay sa bayan ng Bacolor dahil umano sa nagaganap na tupada noong March 19.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon naman sa mga complainant, matapos ang naturang raid, nawalan sila ng pera na nagkakahalaga ng 379, 700 pesos at mga alahas.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Karamihan naman sa mga naturang pulis ay may ranggong corporal, bagamat hindi pa naglalabas ng pangalan ang Pampanga PPO.

Muli namang iginiit ni Pampanga governor Delta Pineda na bawal ang police scalawag sa lalawigan.