102% vaccination rate nakuha ng Camarines Sur sa NVD 4

NAGA CITY- 102% ang overall accomplishment ng Camarines Sur sa nagdaang National Vaccination Days Part 4 base sa tala ng Department of Health Bicol.

Pumangalawa ang lalawigan sa pinakamataas na naabot sa percentage target, 34, 303 ang nabakunahan mula Marso 10 hanggang nitong ika-20 ng Marso.  138% naman ang naabot ng Catanduanes o 8, 116.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Mataas na porsyento rin ang naabot ng Camarines Sur sa pagtuturok ng COVID-19 primary dose na may 124% at 156% sa 2nd dose. Napakababa naman sa booster shot na 18% lamang.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon kay DOH-Bicol Vaccine Program Coordinator – Dr. Monrey Mancilla, isa ang vaccination rate sa pinagbabatayan ng Interagency Task Force sa Alert Level System. Sa kasalukuyan ang Naga City at Catanduanes lamang ang nasa pinakamababang quarantine classification o Alert Level 1. Pinapaigting ang bakunahan upang makabalik na sa normal.