Presyo ng sabon tumaas  ng  halos 3 porsiento- DTI

CAMARINES NORTE- Tumaas ng halos tatlong porsiento ang presyo ng bath and toilet soap batay sa pinakahuling monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa impormasyon mula kay Alvin Sayno, Consumer Protection Division Head ng DTI Camarines Norte ito lang umano sa ngayon ang may naitalang pagtaas sa presyo sa mga produktong minomonitor o nasa hurisdiksyon ng ahensiya.

Maliban dito ay wala na umanong naitalang “significant” na pagtaas ng presyo ng ilang commodities.

Matatandaan na noong unang linggo ng Marso ay iniulat ng DTI na nagkaroon ng sampung sentimos hanggang tatlong pisong pagtaas ang ilang commodities.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kinabibilangan ito ng sardinas na tumaas ng halos 20 sentimos, noodles at instant mami na mula 10 hanggang 25 sentimos.

Tumaas din ang presyo ng bottled water ng mula 25 sentimos hanggang 2 piso.

Mas malaki naman ang itinaas sa presyo ng condensed milk na umabot sa P2. 75 at luncheon milk at iba pang canned meat products na nasa P1. 45.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Maging ang presyo ng kandila ay tumaas ng halos 50 sentimos.

Pero sa latest monitoring umano ng ahensiya ay hindi na nadagdagan ang naturang pagtaas.

Pangunahing salik umano nito ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil naman sa  magkakasunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

May pagtaas din ng presyo ng mga raw at packaging materials, production at iba pang logistic cost.