CAMARINES NORTE – Pinaghahandaan na rin ngayon ng Social Security System Daet Branch ang posibilidad nang lalo pang pagdagsa ng mga tao sa kanilang opisina sakaling ibaba na rin sa COVID- 19 Alert Level 1 ang Camarines Norte.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na kung isailalim ang lalawigan sa mas mababa pang Alert Level ay isang daang porsiento na rin na papasok ang kanilang mga empleado sa opisina.
Sa ngayon kasi ay ipinapatupad pa rin ang work from home arrangement kaya nagpapalitan ang mga empleado sa pagpasok sa opisina.
Ang mga una namang nagkaroon ng appointment bago mag de- escalate ang Alert Level ay uunahing serbisyuhan at ipapatupad ang first in, first out basis.
Ani Robredo kahit ibaba na ang Alert Level ay patuloy pa rin aniyang ipapatupad ng SSS ang minimum health standard.
Magpupulong umano sila sa SSS Daet Branch upang makapagbalangkas ng mga polisiya sa hinaharap.
Gayuman, sinabi ni Robredo na hindi kailangang lahat ng transaksyon ay gagawin sa opisina dahil available naman ang kanilang online services.
Halimbawa ang pagkuha ng SSS number at retirement ay online ang transaksyon at hindi kailangang magdagsaan ng mga miyembro sa opisina.
May polisiya umano ang SSS na digitalization at ito aniya ay kanilang ipapatupad,
Sa mga miyembro naman na walang internet sa bahay ay maaari umanong gamitin ang kanilang E- Center pero kailangang pumila.
“We still have to impose the use of online services so kahit mag Alert 1, halimbawa retirement pwede na online so no need to come here, pagkuha mo ng SSS number online, lahat na online sir, kaya hopefully hindi naman yung magdagsaan talaga ang mga tao kasi may information dissemination kami na you have to use the online services,” ani Robredo.
