Omicron sub-variant sa HK, posibleng makapasok sa Pilipinas – Duque

Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na maaring makapasok sa Pilipinas ang Omicron sub-variant na nakakaapekto ngayon sa Hong Kong.

Inihayag ito ni Duque nang siya ay matanong ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa posibilidad ng pagpasok ng BA.2.2 sub-variant sa bansa.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Ayon kay Duque, posibleng mangyari ito, ngunit hindi siya sigurado kung kasing seryoso ng pangyayari sa Hong Kong ang mararanasan ng Pilipinas.

Ipinunto niya na ang nakaraang surge ay idinulot ng BA.2 variant.

Inihayag rin ni Duque na mas mataas ang vaccination rate ng bansa kung ikukumpara sa Hong Kong, lalo na sa mga senior citizens.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Base aniya sa ulat ng researchers, ay posibleng dumami ang mga kaso sa ilang bansa dahil sa mababang vaccination rate.