Covid-19 situation sa JLGMH sa Olongapo malaki na ang pagbabago

Isa na lamang ang nakaconfine na covid-19 positive patient sa James L. Gordon Memorial Hospital ngayon.

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, ang pasyente ay nagpapagaling na lamang at inaasahang sa mga susunod na araw ay rekober na ito.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Malaki na ang naging pagbabago sa covid-19 situation sa pagamutan kumpara nitong nakalipas na taon.

Malaking tulong umano dito ang pagpapabakuna ng mamamayan dahil kahit tamaan ng virus ay hindi na nagkakaroon pa ng malalang sintomas.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Matatandaan na sa ngayon sa buong lungsod ay tatlo na lamang ang aktibong kaso ng corona virus disease.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Lumalabas ang tunay na kagandahan kung malinis ang KALOOBAN! Capn NUTRICLEANSE NUTRI EANSE NOAPPROVED THERAPEUTICCANS Colon cleanse with NUTRICLEANSE!'