Nahuli na ang Rank no. 7 Most Wanted sa Palawan ganap na 2:30 ng hapon nitong March 14, 2022 sa *Zone 1, Brgy Irawan, Puerto Princesa City.
Ang suspek ay si JOHN LEBUNA SUELO @ JOHN, 44 anyos, residente ng Purok Tagumpay, Brgy. Panacan 1, Narra Palawan.
Si Suelo ay hinuli ng RPDEU/RSCG, PS2, CIU PPCPO, and PIU,.PIDMB PALPPO, at POP TF Palawan bitbit ang arrest warrant na pirmado ni Judge Leah e. De Los Reyes-Baguyo dahil sa kasong Murder with use of illegally possessed / loose firearm na walang piyansa.
Si Suelo ang itinurong primary suspect sa pagpatay sa isang Ariel Laxamana sa Bgy. Princess Urduja, Narra Palawan noong August 5, 2021.
Matatandaan, hapon nang araw na iyon ay pinagbabaril ng riding criminals habang sakay ng kanyang topdown ang biktima na kalauna’y namatay.