POEA, aminadong hamon pa rin ang pagpapalikas ng seafarers mula sa Ukraine

Aminado ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nanatiling hamon para sa kanila ang pagpapalikas ng seafarers sa gitna ng giyera sa Ukraine.

Sinabi ni POEA administrator Bernard Olalia na nasa mahigit 100 seafarers na may mga sasakyang pandagat sa Ukraine ang nakauwi na habang tinatayang nasa 140 pa ang nakatakdang dumating sa bansa.

Read More:  House leader questions OVP ‘petty cash’ confidential fund handling

Ipinunto rin niya na inaasikaso na ng gobyerno ang repatriation ng mahigit 200 crew members na hindi pa nakakababa ng barko.

Read More:  PAGASA warns of heavy rains across Luzon through National Heroes’ Day

Inihayag ni Olalia na nasa mahigit 470 ang apektadong seafarers na may mga vessels na nakadaong sa lugar ng isla na may giyera.