Pagkuha ng medical insurance mandatory sa mga mag-aaral na lalahok sa limited face to face classes- CHED Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol, na mandatory ang pagkuha ng medical insurance na may Covid-19 coverage sa mga mag-aaral na sasabay sa limited face-to-face classes.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Education Supervisor II Dr. Ma. Pamela Viñas, ayon sa CHED-DOH JMC ang mga mag-aaral aniya ay dapat na rehistrado sa Philhealth bilang direct o indirect na contributor o kaya nama’y sa ibang health insurances na may Covid-19 coverage.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens
Read More:  15-year-old drowns while searching for lost cellphone for P1,000 reward in Cebu

Aniya kailangan ito para narin masiguro ang proteksyon ng mga mag-aaral.

Samantala, ang mga mag-aaral naman aniya na nasa flexible learning o online at modular classes ay hindi kinakailangan kumuha ng nasabing medical insurance.