DA humiling ng karagdagang pondo para sa fertilizer subsidy program

Humihiling ng karagdagang pondo ang Department of Agriculture para mas mapalawak pa ang fertilizer subsidy program na nakalaan para sa mga magsasaka.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista kailangan nila ng P19.9-billion para sa naturang programa ngayong tumataas din ang presyo ng abono para sa mga pananim.

Read More:  Online gaming firm endorsed by Ivana Alawi fined P1 million by PAGCOR

Inihayag ni Evangelista na maaaring makatanggap ng P3,000 hangang P5,000 ang mga farmer benificiaries.

Sinabi naman ng opisyal na pinag-aaralan din ng DA na ire-align muna ang pondo para sa ibang mga proyekto at ituon sa mabilis na pangangailangan ng magsasaka ngayong nararanasan ng bansa ang economic crisis.

Read More:  COMELEC forms anti-vote buying task forces for BARMM Elections

Nilinaw naman ni Evangelista na ang naturang ayuda ay hiwalay sa pondo para sa fuel subsidy inaprubahan na ng DBM para sa mga magsasaka at mangingisda.