FDA, pinagkalooban ng EUA ang Pfizer COVID-19 pill na Paxlovid

Pinagkalooban ng Food and Drug Administration ng emergency use authorization ang antiviral pill na Paxlovid ng Pfizer.

Ito ang ibinalita ni FDA Director Oscar Gutierrez sa Laging handa briefing.

Dahil diyan ay sinabi ni Gutierrez na dalawa na ang oral antiviral treatment ng bansa laban sa COVID-19, ito ang Paxlovid at molnupiravir.

Read More:  Marcoleta says threats to Guteza’s life and family may have driven his recantation

Base clinical trials, ay nababawasan ng Paxlovid ang hospitalization at deaths sa mga at-risk na indibidwal ng halos 90 percent, kung iinumin ito sa first few days ng pagpapakita ng mga sintomas.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Una nang napagkalooban ng compassionate special permit noong January ang Bexovid, na generic at mas abot kaya na bersyon ng Paxlovid.