Pilipinas, handa na para sa bagong variant ng COVID

Tiniyak ng Department of Health na handa na ang Pilipinas na harapin ang Detacron variant, na kombinasyon ng Delta at Omicron variants ng COVID-19.

Inihayag ito ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje matapos itong matanong kung handa na ba ang health system ng Pilipinas para sa posibleng infection rate sa gitna ng babala ng World Health Organization.

Read More:  Palace rejects VP Sara’s remarks on 2028 elections

Ayon kay Cabotaje, base sa karanasan ng bansa sa pagresponde sa pandemya, ay naniniwala siya na handa na ang bansa na harapin ang isang panibagong variant of concern.

Samantala, inihayag naman ng IHU Mediterranee Infection sa Marseille, na masyado pang maaga para masabi kung mas labis na nakahahawa o kung nagdudulot ng severe disease ang Deltacron.

Read More:  Comelec says it is 95% ready for the BSKE

Matatandaan na nadiskubre ang hybrid variant ng coronavirus sa isang laboratoryo sa Cybrus noong maagang bahagi ng January at sinasabing resulta ito ng lab contamination.