LEGAZPI CITY – Naipamahagi na ng Local Government Unit (LGU) Polangui ang Financial Aid Assistance pay out sa mga barangay officials sa nasabing bayan.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, aabot sa 528 barangay officials ang nakatanggap ng P3K mula sa office of the President.
Kabilang sa mga nabigyan ay mga Punong Barangay, mga kagawad,, mga Sk Chairman, Barangay Secretary at mga Barangay Treasurer.
Ang payout na ito ay bahagi ng Socio-Civic Project ng Office of the President para sa mga Barangay Officials ng buong bansa.
Pinasalamatan rin ng Alkalde ng Polangui ang ang mga bumubuo ng Treasurers Office sa pumumuno ni Engr. Luz Refran at ang kaniyang mga kasamahan sa kanilang pagsisikap at personal na pagtungo sa Malacañang upang makuha ang pondo para sa pay-out na nabanggit.
Ipinaalala rin nito sa mga opisyal na patuloy na magtrabaho ng maayos, matuwid at isantabi muna ang pamumulitika lalung-lalo na sa nalalapit na halalan.