Pag-decriminalize ng abortion, unconstitutional ayon sa ilang senador

Naniniwala ang ilang senador na ipinagbabawal sa ilalim ng 1987 Constitution ang decriminalization ng abortion.

Inihayag ito ni Senator Panfilo Lacson sa isang press conference sa Parañaque City.

Read More:  Government flags all shipments from Laos after ₱1.36-B shabu seizure

Ipinunto ng senador na nabanggit sa Konstitusyon ang pagpapahalaga sa buhay ng isang bata.

Kinwestyon naman ng senador kung ano ang tawag sa paraan ng pagpatay sa isang bata na nasa sinapupunan ng ina kung hindi ito makokonsidera bilang murder?

Read More:  Senate court imposes sub judice ban on all VP Sara impeachment articles

Nakatitiyak naman ang mambabatas na idedeklara lamang ng Korte Suprema bilang unconstitutional ang pagsasalegal ng abortion sakaling maisabatas ito.