Bumida si JALEN Green sa panalo ng Houston Rockets kontra Los Angeles Lakers matapos humakot ng career-high na 32 puntos. Pinabagsak ng Rockets ang Lakers sa score na 139-130 via overtime. Nagpasiklab ang Fil-Am rookie guard sa OT matapos itong umiskor ng 10 puntos extra period. Nagtala naman si LeBron James ng triple-double para sa Los Angeles sa kanyang 24 points, 14 rebounds, at 12 assists para sa Lakers. May tiyansa sanang manalo ang Lakers sa laro subalit tumalbog sa rim ang jumper ni Carmelo Anthony sa huling segundo ng 4th quarter na nagresulta sa overtime.