NBI may lead na 34 missing sabungero

Nakahanap na ng lead ang National Bureau of Investigation sa kaso ng 34 na mga nawawalang sabungero.

Dahil dito, kampante si Justice Secretary Menardo Guevarra na ang imbestigasyon na isinasagawa ng mga otoridad ay magbubunga ng positibong resulta.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Una nito, ipinag-utos na rin ng Malacañang sa parehong PNP at NBI na imbestigahan ang naturang kaso at magsumite ng report sa loob ng 30 araw.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Sinabi naman ng PNP, ihahain nila ang kidnapping at serious illegal detention ngayong linggo laban sa anim na mga security personnel dahil sa pagkawala sa anim na indibidwal na kasama sa cockfighting operations sa Manila Arena.