LEGAZPI- Eksaktong alas sais y medya ng umaga ang naitalang oras ng pagdating ng dalawang mag-aaral sa ika-pitong baitang ng Ligao City National Technical Vocational High School sa barangay Nasisi sa pagbubukas ng unang araw ng progressive expansion ng limited face-to-face classes ngayong lingo.
Ayon kay Jonas Chester Añonuevo, halos hindi na siya nakatulog sa pananabik na pumasok sa paaralan upang makilala na niya ang kanyang mga bagong guro sa high school.
Si Añonuevo ay napaaketuhan ng pandemya nung siya nasa ika-limang baitang pa lamang.
Dinaluhan ang pagbubukas ng klase ng mga Barangay officials ng mga karatig barangay ng mismong paaralan. Sa kanyang mensahe, nanawagan si Hon. Jurlan Buello, Punong Barangay ng Nasisi, Ligao City at kasalukayang ABC President ng Lungsod hikayatin pa ang ibang mga magulang at mag-aaral na makiisa sa pagpapabakuna at makilahok sa nasabing limited face-to-face implementation.
Naroon din ang mga miyembro ng Philippine National Police na pinaabot ang pakikiisa at pinahayag ang suporta sa paaralan at Kagawaran ng Edukasyon sa muling pagbubukas ng klase.
Ang Ligao City National Technical Vocational High School ay isa sa 17 paaralan sa Sangay ng Ligao na naaprubahan para sa progressive expansion of limited face-to-face, dagdag sa pitong paaralan na naunang nagimplementa ng limited face-to-face sa lungsod.