LEGAZPI CITY- Nakapagtala ng isang kaso ng Adverse Event Following Immunization (AEFI) ang rehiyon ng Bicol ng magsimula ang pediatric vaccination rollout dito isang buwan na ang nakakalipas.
Sa kabuuan, mayroong 2, 371 AEFI reported cases ang nasabing rehiyon mula sa iba’t ibang category ng binakunahan.
2, 287 nga rito ay mga minor AEFI cases, 84 cases ng serious AEFI at isang kaso naman mula sa grupo ng mga batang may edad 5 hanggang 11 na kung saan nagkaroon ito ng local allergic reaction matapos mabukanahan.
Ayon kay Ken Nuyda, Nurse V ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH-Bicol, malugod na iulat sa disease reporting unit ang mga kaso ng AEFI dahil “reportable health event” umano ito na dapat malaman ng mga vaccination center at maging ng mga ospital.
Dagdag pa rito, ang bawat AEFI reported cases umano ay sumasailalim sa Causality Assessment upang matukoy kung ang nasabing adverse effect ay vaccine related o hindi.
Samantala, inabisuhan rin ni Nuyda ang mga healthcare personnels na ipaalala at ipaliwanag ng mabuti sa publiko ang dapat gawing aksyon kung sakaling makaramdam o makaranas ng AEFI ang katawan, kahit na ito umano ay pag sakit ng ulo lamang.