Oil price roll back malabo pa sa mga susunod na linggo – DOE

Hindi pa nakikita ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad wala pang aasahang roll bang sa langis bagkus ay posible mas tumaas pa ang presyo nito.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Inihayag ni Abad na kabilang sa mga nakaka-apekto ngayon sa presyuhan ng produktong petrolyo ay ang oil shortage, pababang inventory, at ang patuloy na sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Hindi naman masabi ng DOE official kung magiging kasing taas ba ng oil price hike ngayong araw ang magiging umento sa langis sa susunod na linggo.

Kasabay nito umapela naman si Abad sa mga oil companies sa Pilipinas na patuloy na magbigay ng discount sa mga motorista.