EJ Obiena, nagpahayag ng suporta para sa Ukraine

Isinapubliko ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena ang kaniyang suporta para sa Ukraine na kasalukuyang nakararanas ng pag-atake mula sa Russia.

Kamakailan ay nagsuot si Obiena ng baller band na may kulay asul at dilaw sa kaniyang pag-sali sa isang French tournament kung saan ay naitala niya ang kaniyang bagong personal best record at nagtapos sa ikalawang pwesto.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Ilang oras lamang matapos ang kompetisyon ay nag-post si Obiena sa social media para ipahayag ang kaniyang suporta sa Ukraine.

Sinabi niya bilang caption sa kaniyang litrato na may suot na blue and yellow baller band, “”Silence never helped the oppressed or the abused,”

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Ibinahagi rin ni Obiena ang mga nasa isipan ng kaniyang mga kapwa atleta na Ukranian nationals kabilang na sina Yaroslava Mahuchikh, Yuliia Levchenko, at Andriy Portsenko.

Mababatid na nagmula rin sa Ukraine ang coach ni Obiena na si Vitaliy Petrov.