“One plant, one pricing policy” nakikitang paraan ng APEC upang kontrolin ang taas-babang presyo ng kuryente sa Albay

BNFM BICOL—Inihayag ni Albay Power and Energy Corporation o APEC Spokesperson – Pat Gutierez na may nakikitang paraan ngayon ang korporasyon upang makontrol ang “roller coaster” o ang taas-babang singil sa kuryente sa lalawigan.

Ayon kay Gutierez, maaaring ipatupad sa buong probinsya ng Albay ang “One Plant, One Pricing” policy kung saan ang presyo ng kuryenteng isinu-suplay ng isang planta, ang siya na ring presyo na sisingilin para sa commercial purposes.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ganunpaman, bago aniya ang implementasyon nito ay kinakailangan ang approval ng Energy Regulatory Commission o ERC pagkatapos na matalakay ng Albay Electric Cooperative o ALECO at ng APEC ang pricing sa kuryente.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Dagdag pa ni Gutierez, sakaling maipatupad ang naturang polisiya ay hindi na gagalaw pa ang presyo ng kuryente para sa mga member consumers ng naturang kooperatiba.###