AFP nilinaw na hindi MILF ang nakasagupa ng pamahalaan sa Lanao del Sur

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan sa bayan ng Maguing sa Lanao del Sur.

Ayon kay AFP spokesman Col. Ramon Zagala hindi MILF ang kalaban ng mga militar kundi ang mga ‘peace spoilers’ na naghahasik ng kaguluhan sa lugar.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Sa katunayan ayon kay Zagala ang MILF pa ang nagbigay ng impormasyon sa pinagkukutaan ng grupo.

Binigyan diin ng AFP na hindi naging target ang MILF sa opensiba ng militar dahil katuwang nila ito para sa kapayapaan sa Mindanao.

Read More:  Leila de Lima eyes libel, cyberlibel decriminalization

Idinipensa naman ni Zagala ang paggamit ng ‘close air asset’ ng government troops upang mapigilan na dumami pa ang mga terorista sa lugar.