P 43.7 million inilaan ng DA 12 para sa fuel subsidy sa mga farmers

KORONADAL CITY- TARGET ng Department of Agriculture o DA Region 12 ang 21,866 na mga magsasaka na makikinabang sa Fuel Discount for Farmers and Fisherfolk Program na alinsunod sa Special Provision No. 20 ng Republic Act o RA11639.

Layunin nito na matulungan ang mga farmers na maibsan ang epekto ng sunud-sunod na oil price hike at upang mabawasan ang kanilang gastos sa produksyon at pagbiyahe ng kanilang mga produkto.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nakasaad sa naturang probisyon na ang mga may sinasakang hindi lalagpas sa isang ektarya ay makakatanggap ng tig P 2,000 na fuel subsidy.

Nasa P 43.7 million ang inilaang pondo ng DA 12 sa fuel subsidy program.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Makakatanggap ng subsidiya ang mga farmers na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA, may sertipikasyon na kabilang ito sa mga mahihirap na magsasaka sa kanilang barangay, at handang sumailalim sa dagdag na training courses.