Mga Batas na magpoprotekta sa mga consumer ipinaliwanag ng DTI Bicol

Legazpi City-  Ipinaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong batas na nagbibigay-proteksyon sa mga consumer.

Ayon kay Bicol Legal Officer Atty. Jay Emmanuel Hayagan, tinitiyak ng gobyerno na merong batas na tungkol sa mga maling gawain tulad ng Consumer Act of the Philippines, at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, saklaw ng batas na ito ang mga online transactions gamit ang electronic medium.

Hinihikayat din ng DTI ang mga online seller na mag register kapag hindi nila ginamit nilang business name ay hindi totoong pangalan para ma-protektahan sila at ang consumer.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Dagdag pa nya, ang mga panganib ng business na hindi rehistrado ay walang color of legitimacy at palaging may idea na palagi itong scam o isa itong pangloloko ang business.