Filipinos sa Ukraine, OK lumikas sa Poland

Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na pumayag ang Poland na papasukin ang mga Filipinos sa kanilang bansa mula sa Ukraine, kahit walang European Union entry visas nito.

Ito ay sa gitna ng posibleng paglikas ng mga kababayan mula sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Russia Ukraine.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Sa gitna nito, sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, na walang pang Filipinos na tumawid sa iba bansa sa Europe.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Sa ngayon, nanatili parin ang alert level 2 sa Ukraine, na ibig sabihin voluntary ang repatriation.

Nabatid na karamihan ng mga Filipinos sa naturang bansa ay household service workers. habang ang iba ay nakapag-asawa ng mga residente doon, kaya hirap ang may mga pamilya doon na ikonsidera ang pag-uwi sa Pilipinas.