4 pang Pinoy mula Ukraine, nakatakdang dumating sa PH ngayong araw

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA), na nakatakdang umalis sa Kyiv papuntang Pilipinas ang apat pang Pilipino sa Ukraine, para sa voluntary repatriation.

Ito ay kasunod ng naunang anim na Pilipinong umuwi ng bansa, sa harap ng patuloy na tumataas na tensyon sa Ukraine.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, ngayong araw ang nakatakdang pagdating ng naturang mga kababayan sa Manila.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Dagdag ni Arriola, na mula Huwebes, 181 Filipinos sa Ukraine ang accounted for.

Mababatid na naglunsad na ang Russia ng full-scale invasion sa Ukraine, na dahilan para mapilitang lumikas ang maraming residente. //MHEL PACIA-TRINIDAD