Senate panel, pumayag na suspendihin ang e-sabong sa gitna ng pagkawala ng 31 sabungero

Pumabor ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na suspendihin ang lisensya ng mga kompanya na nago-operate ng online sabong o e-sabong hanggang hindi nareresolba ang mga kaso ng 31 na nawawalang sabungeros.

Sinabi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, panel chairperson, na mag-iisyu ang komite ng resolution na naghihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na utusan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ipatigil ang operasyon ng e-sabong.

Read More:  Grade 4 student dies after school deworming in Cavite

Ang nasabing resolusyon ay iminungkahi nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo Lacson sa ginanap na committee hearing.

Saklaw nito ang mga umiiral na lisensya ng Belvedere Vista Corp., Lucky 8 Star Quest Inc., Visayas Cockers Club Inc., Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc., at marami pang iba.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Ipinunto ni Sotto na kawawa ang pamilya ng mga nawawalang sabungero lalo na’t hindi nakakakuha ng kooperasyon ang mga otoridad katulad na lamang ng kawalan ng CCTV, at kawalan ng person of interest.

Sa ganitong paraan ay naniniwala ang Senado na mapipilitan ang iba na makisama.