OWWA handa sa posibleng mass repatriation sa mga Filipino sa Ukraine

Handa ang gobyerno ng Pilipinas na magsagawa ng mass repatriation sa mga Filipino sa Ukraine kung hindi huhupa ang tensiyon sa lugar dulot ng nagbabadyang giyera kontra Russia.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac inilalatag na ng Philippine Emabssy sa Ukraine, kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang crisis management mechanisms at exit strategies para sa 380 Pinoy sa lugar.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Inihayag ni Cagdac na natukoy na ang mga pick-up at exit point, gayundin ang mga safe-haven sakaling sumiklab ang digmaan.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Nakahanda rin ang gobyerno na magbigay ng libreng transportasyon para sa mga Pilipino.

Sa ngayon, anim na Pilipino mula sa Ukraine ang nakabalik na sa Pilipinas habang dalawa pa ang inaasahang uuwi.