Mga bata sa Pandi, Bulacan pinag swimming muna ng LGU bago binakunahan kontra COVID-19

Sa pagsisimula ng pediatric vaccination sa bansa o ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang, kanya-kanyang pakulo ang ginawa ng DOH  para lamang mawala ang takot ng mga chikiting sa karayom.

Mayroong nagpa children’s party kung saan napuno ng mga mascot at cartoon characters ang vaccination site habang mayroon namang nagsagawa ng puppet show na inaliw ang mga bata bago at pagkatapos nilang bakunahan.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa bayan ng Pandi probinsya ng Bulacan, kakaibang ‘technique’ ang ginawa ng health department at ng LGU sa lugar upang pakalmahin ang mga batang tatanggap ng COVID vaccine.

Tila napaaga ang summer getaway ng mga ito matapos silang dalhin sa isang resort para mag swimming bago pumila upang maturukan ng bakuna.

Sa panayam sa alkalde ng bayan na si Mayor Enrico Roque, ang naturang pakulo ay bahagi ng kanilang layunin na mabakunahan ang maraming bata sakanilang lugar bilang paghahanda na rin sa limited face to face classes.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Umabot sa 500 mga bata ang nabakunahan sa unang araw ng pedia vaccination sa lugar habang target naman ng LGU na mabigyan ng bakuna ang 9,000 mga bata sa bayan ng Pandi kung saan magtatagal ng limang araw ang isinasagawang vaccination roll out.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Photo Courtesy: Carmela Reyes-Estrope