SoCot Prov’l Jail, wala ng kaso ng Covid-19

KORONADAL CITY — HINDI na nakapagtala ng panibagong kaso ng Covid-19 ang South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC.

Ito ang kinumperma ni OIC Jail Warden Lory Celeste sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Ayon kay Celeste, may nakahandang tatlong selda sa loob ng jail na paglalagyan ng mga presong makikitaan ng sintomas ng Covid-19.

Sa ngayon, mahigpit pa rin umano ang kanilang mga panuntunan upang mapanatiling walang kaso ng Covid-19 sa loob ng provincial jail.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Matatandaan na noong nakaraang taon, daan-daang mga preso ng provincial jail ang nahawa sa Covid-19.