Alert level 1 sa NCR suportado ng DTI

Suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang rekomendasyon ng Metro Manila Mayors (MMC) na ibaba na sa alert level 1 ang COVID-19 risk classification sa National Capital Region.

Paliwanag ni DTI Sec. Ramon Lopez kung tutuusin halos wala nang pinagkaiba sa Alert level 1 ang sitwasyon ngayon sa Metro Manila dahil matagal nang bukas ang mga negosyo.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Ayon kay Lopez tila magiging ceremonial o pormalidad na lamang ang paglalagay sa NCR sa ilalim ng alert level 1.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa kabila nito binigyan-diin ng kalihim na hindi dapat mawala ang pagpapaigting sa mask, hugas at vaccination program ng gobyerno para labanan ang COVID-19.

Nakatakda naman maglabas ng circular ang DTI sa mga establisiyemento para pagandahin ang bentilasyon sa kanilang mga puwesto.