Catholic Schools’ Association  diretsahang sinabi ang paninindigan sa 2022 elections

NAGA CITY-  Diretsahang sinabi ng Catholic Educational Association of Caceres and Libmanan (CEACAL)  ang kanilang paninindigan para sa Halalan 2022.

Sa pagharap sa press conference ng grupo, sinabi ni  CEACAL  President Fr. Wilmer Joseph Tria na ikinagagalak nila ang Board of Trustees ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na tumindig para sa integridad , katotohanan ,  demokrasya at hustisya.

Read More:  17-year-old student dies after school incident in Bukidnon

Aniya may mga kandidatong ipinapakita ang kasinungalingan. Bilang mga na sa hanay ng edukasyon obligasyon aniya nilang ipabatid ang tama.

Subalit binigyang diin ni Fr. Tria na hindi dapat gamitin ang pulpit ukol sa kung sinong kandidato ang sinusuportahan. Hindi aniya dapat na magamit ang misa para rito subalit sa labas ng simbahan tulad nila na nagtuturo sa paaralan, may karapatan na punain ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan.

Read More:  School threat averted in Sultan Kudarat; student arrested in South Cotabato