NAGA CITY- Nais ng Food and Drugs Administration (FDA) na ipagbawal ang pagtitinda ng gamot sa mga botika. Hinihikayat din ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga Local Government Units (LGU) na magpasa ng ordinansa ukol dito, ayon sa DILG Camarines Sur dedepende ito sa kalagayan ng lugar.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay DILG Provincial officer Melody Relucio sinabing sa ilalim ng Revenue Code nakasaad na dapat ang mga magtitinda ng general merchandise ay may kaukulang permit. Kung titinggan aniya hindi talaga pinapayagan ang pagtitinda sana sa mga sari-sari store ng mga gamot subalit dahil sa pangangailangan nangyayari ito lalo na sa mga malalayong barangay.
Binigyang diin ni Relucio na kailangang tinggang muli ng mga LGUs ang mga dati nang ordinansa may kaugnayan sa pagsusupply ng gamot. Ipinunto nito na ang mga LGU ay may awtonomiya na mag desisyon kung ano ang mabuting hakbang. Ibinibigay aniya ng DILG sa mga LGUs ang kapangyarihan upang makapag balangkas ng mga ordinansa bastat matitiyak na napoprotektahan ang mga mamamayan.