COVID-19 cases, posibleng bumaba sa 83 araw-araw pagdating ng Marso

Posibleng bumagsak sa 83 kada araw ang bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa Pilipinas, kung mapapanatili ang pagsunod sa minimum public health standards.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ipinakikita ng projections na maari rin tumaas ang mga kaso sa 2,077 kung may 12% na pagbaba sa compliance.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Dagdag ni Vergeire, maari rin itong umabot sa 7,748 na kaso kada araw kung magkakaroon ng 19% na pagbaba.

Ipinunto ni Vergeire na nakabase ang projections ng Department of Health sa katangian ng Omicron variant at sa iba pang factors.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Kabilang na rito ang mobility ng populasyon, vaccination coverage, at pagsunod sa minimum public health standards.