Walang seremonya kung si skater Valieva ang mananalo sa Beijing Olympic medal -IOC

Walang magaganap na medal ceremony para sa women’s singles figure skating sa Beijing Olympics, kung si Russia’s Kamila Valieva ang mananalo sa top three.

Ayon sa International Olympic Committee, wala ring seremonya para sa team event, na napanalunan ng Russia noong nakaraang linggo, nang maglaro ang 15-year-old na si Valieva sa starring role.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Ginawa ng IOC ang anunsyo, matapos na sabihin ng Court of Arbitration for Sport na ang teenager ay maaring makapagpatuloy na maglaro sa Games, sa kabila ng pagpopositibo noong Disyembre sa banned substance.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Sa ngayon, ang Russian ang nakikitang mananalo sa singles event nang magsimula sila noong Martes, pero hindi pa ito absuwelto sa doping at maari paring maharap sa parusa.