Bakunahan sa mga batang edad 5-11 anyos, umarangkada na sa Region 2

Umarangkada na ngayong araw ang bakunahan sa mga bata edad 5-11 taong gulang sa lambak ng Cagayan.

Ayon kay DOH Region 2 Assistant Regional Director Dra. Faith Alberto, ngayong araw ang simula ng intensive phase kung saan sa loob ng isang buwan simula February to March ay target na mabakunahan ang at least 60% ng mga kabilang sa naturang age group.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aniya, ito ay katumbas ng 308, 347 habang sa March hanggang May naman ay target na mabakunahan ang 205, 565 na mga bata.

Mayroon aniyang 513, 912 na total population ng mga batang kabilang sa natruang age group kung saan 51, 391 dito ang may comorbidities.

Ayon pa kay Dra. Alberto, sa ngayon ay prayoridad na maturukan ang mga batang may comorbidities o may sakit.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Bukas umano ang nasa 55 na vaccination sites sa iba’t-ibang LGU sa rehiyon.

Sinabi pa ni Dra. Alberto na mayroong 40, 000 doses ng Pfizer vaccine ang inilaan sa buong rehiyon.

Samantala, tiniyak din ng kagawaran na sumailalim sa training ang mga health workers na magsasagawa ng vaccination sa mga bata.