87 benepisyaryo ng TUPAD sa Sto. Domingo, Albay nabigyan na- DOLE 

LEGAZPI-Napabilang sa programang Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers o TUPAD ng Department of Labor and Employment o DOLE Bicol ang 87 na benepisyaryo ng Sto. Domingo, Albay.

Ayon sa DOLE Bicol, nakatanggap ng P3,100 ang bawat benepisyaryo kapalit ng kanilang pagtatrabaho ng apat na oras sa loob ng sampung araw.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Nagkakahalagang humigit-kumulang P269,700 ang ipinamahagi nila sa pamamagitan ng Albay Provincial Field Office katuwang ang Public Employment Service (PESO) at LGU ng nasabing munisipalidad.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho at pangkabuhayan dulot ng pandemya.

Nagpapasalamat naman ang mga tumanggap ng benepisyo sapagkat lubos itong makakatulong sakanila lalo pa ngayong pandemya na marami talagang pamilya ang kinakapos.