High-powered firearms ng mga NPA; narekober ng militar matapos ang engkwentro sa Lal-Lo, Cagayan

Narekober ng mga kasundaluhan ang mga high powered firearms at mga pampasabog ng mga rebeldeng NPA matapos sumiklab ang sagupaan sa Brgy. Dagupan, Lal-lo, Cagayan kahapon, February 07, 2022.

Ayon kay LTC Joeboy Kindipan, Battalion Commander ng 77IB, una rito ay inireport umano ng mga residente sa kasundaluhan kaugnay sa presensya ng mga rebelde na agad namang tinugunan ng militar.

Dito ay nakasagupa ng tropa ng pamahalaan ang hindi matukoy na bilang ng mga miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley at tumagal ng kalahating oras.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Matapos ang engkwentro ay kaagad namang nagsagawa ng intensive Focused Military Operations ang mga kasapi ng 77th Infantry Battalion sa ilalim ng 501st Infantry Brigade ng intensive Focused Military Operations.

Narekober ng kasundaluhan ang dalawang M16 rifles na may 3 magazines; dalawang M14 rifle na may 2 magazines; isang M653 rifle; isang colt 45 at magazine; isang anti-personnel mine; mga bala; short wire; medical supplies; at mga subersibong dokumento.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Inihayag naman ni BGen Steve Crespillo, Commander ng 501st Infantry Brigade na nagdagdag na sila ng tropa na tutugis sa mga tumakas na NPA rebels.

Aniya, isa na naman itong malaking dagok sa panig ng makakaliwang pangkat.

Samantala, pinuri naman ni MGen Laurence Mina, ang Commander ng 5th Infantry Division, ang matagumpay na operasyon ng tropa na naresulta sa pagkakarekober ng armas ng mga rebelde.