Ekonomiya babagsak kung ipapatupad ang “No booster card, no entry,” policy – DILG

Inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na malabo pang maipatupad ang “no booster card, no entry,” policy sa kasalukuyan.

Binigyan diin ni Año na magdurusa ang ekonomiya ng bansa sakaling ipilit ang implementasyon ng naturang polisiya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Paliwanag ng kalihim na mahigit kalahating milyong indibidwal pa sa Metro Manila ang nananatiling hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Sinabi ni Año na inuuna ng gobyerno ang pagbabakuna para sa primary series o ang unang doses at ikalawang doses.

Nilinaw din ng opisyal na hindi pa ito napag-uusapan sa mga pulong ng IATF.