SORSOGON CITY – Kasabay ng pagtatapos ng ideniklarang “academic health break”, ang pagbabalik din sa trabaho ng mga guro sa lalawigan ng Sorsogon.
Sinabi ni Jose Doncillo, Schools Division Superintendent sa isang panayam, na simula Lunes, Pebrero a-7 ay babalik sa nakagawiang pagmo-module ang mga estudyante habang ang mga guro naman ay may 2 option na pagpipilian.
Maaaring piliin umano na pisikal na mag-report sa eskelahan ang mga guro, depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang barangay.
Work from home naman ang ikalawang opsyon ng iba, lalo sa may mga nagpopositibong kaso sa barangay. Sa ganitong set-up sa bahay na lamang gagawin ang teacher-related tasks at capacity building ng mga guro.
Espesyal na nabanggit ang Casiguran, na hanggang Biyernes pa naka-bakasyon.
Nitong Lunes din ang opisyal na pagsisimula ng 3rd quarter ng kasalukuyang school year.
PHOTO: Google
